eviction
Damn. I just lost a post. Stupid PC.
Fascinating but i am not at all cheered. It is indeed a fascinating note that gut feels are usually right. Havent checked friendster on that friday yet i blogged on something about what i read was written that day. You dont have to follow my string of thoughts, though. And so i was right, things are boiling between them. I hate tagging my life with coincidences and whatnots those horrorscopes say. Although today was creepy, how the f*ck did yahoo astrology figured about my blackshoes being new and a waste of money? Yup, follow my train of thought to middle earth. Anyway, back to misery… I guess i am quite linked to both of them that i know things are developing, ithink. My words in my blogs matches his messages. Although her messages– they’s pretty much a mess. Leaving me dumbfounded and more and more confused. It hurts my head that i decided i rather not think about them messages. But still, i really cant say i can now laugh things off. Maybe i can be happy for them. ‘Just right now, can’t be happy for myself. I’ve never been that mature. But ‘got to live through all these. They are, afterall, both my friends last time i checked. ‘Just that right now, ‘cant yet shrug the idea of me being a third party. It gives more weight to my seemingly pathetic, auxillary existence. I feel ultimately useless and alone. Maybe i should just give things up. I need a couple of weeks of vacation. Or maybe i should finally move out. I’m torn between predicaments in my work, stagnant careerpath and the so-called lovelife. Maybe i should go hop on a plane and go to dubai. That’ll make him and the others giddy-yup-happy. It figures, no wonder his face lights up whenever i blabber about aileen (another cannot be). I’m tempted to escape. When i’m supposed to accept things as they are. That ducks wont, even after forever, be swans. That a kermit can never be a princess’ prince. That i can not move about m’life unless i get kinetic. I shoulda seen things coming. Or maybe i shouldnt have ignore the signs. And i thought i’d love both of them. Now, i’m off to hell.
I had the cruelest couple of weeks. Crazy chubibo ride indeed. One sec you’re up then down then up-down again. One moment working then meetin up folks the next, with no rest in between. Am so lacking of bed rest that i dream vividly on naps. So much for the new cushion. To think i was actually excited.
Never had the right to choose in the first place, nonetheless.
How much time can i hold this ok-mask up my face? Don’t ask. I don’t have the answers. Oh fuck it.
Breakable. Broken. Shitty bloke.
At my age, i never thought i still have emotions i cannot give a name. I want to shout. Just a plain arggh for i’ve no more words to express. I hate my predicament. I hate the what-ifs, shouldas, couldas. Wtf, i’m all set to oblivion.
Sorry, tayo’y malabo. Maya-maya lang ay may ilaw na, pero sana malaman mo– magkailaw man, madilim pa rin. Kung wala na. Kung wala ka… nasan ka na kaya? (sugarfree.kandila)
•
eviction ii
I was merely wandering through makati and whaddayaknow, netopia! ‘Havent really organized the cluttered mess i have as my thoughts but what the heck. Oh, i’m gonna regret my words later on.
Mahirap, masakit, nagkalamat pero sana di mabasag.
Oo, tao lang din ako. Di maaalis sa kin na masaktan- sa oras na ito, di ko lang talaga alam. Napakalaking dagok nitong dalawang linggong nakalipas sa pagkatao ko. Sa oras na ito, nais ko sana magpakalango. Sana. Nais ko sana maglaho. Gayunpaman, salamat. Narinig ko na ang kailangan kong malaman. Maaaring walang ‘kayo’ pero merong ‘mahal ka niya’ at ‘gusto ko si ****’. Sapat na. Mali man ang mga nabitiwan kong salita, nagalit man kayo, wala na akong maisasambit pa. Sa puntong ito, hindi na ako nararapat pang maglagi sa magiting ninyong larawan. Hindi na mahalaga kung umasa ako, kung may pagtingin ako. Patawad muli, hindi ko lang talaga kaya pigilan ang aking mga saloobin. Hayun na nga’t nagsara na ang netopia at dala ng pangangailangan, lumipat sa ibang tanggapan na may internet 24 oras malapit sa 7eleven. Isang malaking kahibangan. Hindi ko lang kayang ipasangtabi kung gaano kalaki ako naging tanga. Patunay ngang manhid lamang at tila musmos and kamuwangan ko. Kung sa bagay nga, minsan nasabi kong wala akong kakayang magmahal. Mayroon naman pala. Mahalin, hindi ko lamang alam. Ayoko lamang maging pabigat, kahit hindi ko maalis sa kokote ko ang aking pagiging sagabal. Bakit ba kasi, bakit. Siguro’y dala na lamang ng sobrang tagal ng pagkalihim. Kailangan niyang magtapat ng di oras. Maayos na sana, tamang tropa lang, kahit may kaunting tensyon. Ayos lang sana, marami pa mangyayari. Mapilit siya. Pero mabuti na rin ito. Lahat naman lilipas. Kasi ganun din, ako rin magtatapat pag oras na. Sana.
Balik-tanawan natin. May mga pagkakataong tila ba nais naming magnakaw ng sandali kasama siya. Intramuros. Night photography. May shoot daw sila. Ewan ba’t naisipan ko pang ipagpilitan ang sarili ko gayung hindi naman ako photographer. Chocolate factory. Paumanhin na sa kanya mo pa malaman na sinubukan ko siyang makasama. Pero napakabuti mo, bata ka, alam kong pinilit mong wag makasakit na lagi mo na lang sinasalo kapag di natutuloy. Gaya nung indie movie. Pero kahit maaari sana, pinaubaya ko nang makasama mo siya sa join the club. Na hindi raw siya nagpunta. Kung bakit hindi mapaliwanag ang tensyon sa lucena, kaya pala. Ewan. Ewan, binasa mo pa ito. Wala namang kasaysayan. Hindi ko kailangan ang awa ninyo. Hindi ninyo kailangang isipin ang kapakanan ko. Masakit na kung masakit, pero isang madali lang sana. ‘Yun ba ang tinatawag na pagkakaibigan? Hindi ko kasi alam.
Paumanhin muli, hindi na ako nag-iisip. Oo nag-enjoy tayo sa piling ng lahat. Pero ngayon, sa paglingon kong ito, niloko ko lang sarili ko. Pero isa kang bayani, biruin mo wala akong tunay na alam na gusto o mahal mo siya. Siguro’y katakot-takot na pagseselos ang inabot mo. Gaya ko kung minsan. Nagselos ako kahit hindi ko alam tunay yaang pagtingin mo. Nagselos ako wala naman akong karapatan. Kaya siguro. Minsan kasi hinihram mo ang telepono ko, maaring sinusubaybayan mo ang pag-uusap namin. Wala lang. Kasi wala naman. Kayo ang madalas. Halos langgamin na siguro kulitan ninyo. Araw-araw. Sa tuwing tayo’y nagpapalitan ng mensahe, alam ko kausap mo rin siya. At ikaw, alam ko kapag nakatulala ka o natahimik, siya iniisip mo.
Mahirap. Wala naman nang iba. Marami rin naman akong kapintasan. Na akala ko’y di ko pinapansin. Katawa-tawa, ngunit wala naman dapat pagtalunan. Kasi ayaw mo nga. Bata ka pa. Naghihintay siya. Ako, eugene ang labas ko kung sasabihin kong ako rin. Nanigurado lamang siya na pagdating ng oras, siya lamang handuon. Peste. Walang nangyayari ng isang gabi lamang o isang araw. Isang linggo? Hindi ko alam. Hindi ba’t sinubukan natin, nung nagkasundo tayo’t tropa na lang uli? Napakadakila kong th.
Ngayong gabi, napadaan ako ng burgerking. Napasulyap sa shakey’s. Kakalimutan ko rin ba’ng ice cream? Wala nang saysay kumain dun, hindi masarap pizza, di gaya sa pizzahut. Pizza. Yellowcab? Biruin mo si aileen sadyang hindi ko na nasama sa yellowcab. Galing akong powerbooks, alam mo ba nakita ko? Dinosaur pop ups.
Abas. Baywalk. Hap Chang. South waters. Starbucks. Robs. Yahoo messenger.
Masakit, pero wag kang maglalaho. Wag ikaw. May sarili kang buhay, oo. Patawad nasagi kita. Kaibigan? Patawad uli, sapagkat hindi basta kaibigan ang itinuring ko sa iyo mula pa nung makakilala kita nang pormal sa starbucks magallanes. Laking hinayang ko kinailangan kong lumiban sa isang gabi sa vega j. Ikinabuti n’yo at naging magdance partner kayo. Siguro kung nakasama ako, naiwan ako sa mesa kasama si kz. Hindi ko matatagalan iyon.
Hayaan mo’t kapag naalala ko, may rosas ka sa araw ng mga puso.
Saguijo. Halu-halong alaala na lamang. Ang saya di ba, join the club uli.
Lilipas din. Panahon lang kailangan. Kakainin naman ako ng trabahong pilit ko ngang tinatakbuhan. Para sa iba pang nagbabasa, hindi ako taga magallanes, opo may bahay ako na pilit kong tinatawag na tahanan. At opo, may inang nagmamahal at naghihintay sa ‘kin duon. Hindi lang ako matawa sa biro ninyo.
‘Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali…
Kung iisipin mo, di naman dati ganito, teka muna teka lang kelan tayo nailang?
Kung iisipin mo, o di naman dati ganito, kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay…
September 25th, 2005 at 4:19 am
Hindi ko kelangan magreact sa mga isinulat mo. Pero habang nababasa ko, hindi ko mapigilan. Nagmumuka kasi akong sinungaling. Alam ko masama loob mo, naiintindihan ko. Pero yung ganito naman na lumalabas akong masama, hindi kaya sobra na? Ikaw na din nagsabi, walang may sala. Kasalanan ba ng tao na magkagusto sa iisa pang tao? Lihim? Oo, pinilit kong itago yung nararamdaman ko. Pero tao nga lang hindi ko nakaya, yun siguro mali ako.Pero wala naman mali pag nagmahal. Kung may magagalit siguro sya lang may karapatan. Minsan sinabi nya sakin, sya nalang ang lalayo dahil nasisira tayo. Pinigilan ko sinabihan kong wag, dahil malulungkot dinn tayo, aminin natin yun. Gusto nya ko, sabi nya sa mensahe sayo, pero “ayaw pa nya pa din”. Kilala mo nako ng matagal,kung nag-iisip kayo na hindi totoo yung nararamdaman ko pwes siguro hindi ko kayo mapipilit, pero dun lang siguro ako magagalit, dahil kahit kelan, naging totoo ako sa babaeng minahal ko. Join the Club? Punyeta, akala mo natuloy kami dun…pwes hindi talaga. Pumunta ako nagkita kami, niyaya namin si Franco, kaso hindi pwede.Iniwan ko na sya nung hindi makakasunod si Franco. Umuwi nako,dito kami ng-inuman ngtropa ko.Hindi kita mapipilit. Sinabi din nya sayo na nagpunta ako pero umalis din agad ako, hindi ko nga naabutan yung join the club e. SaGuijo, punyeta! Mamatay man ako nung araw lang na yun ko napanood yun.Hindi ko kailangan magpaliwanag, pero lumalabas na sinungaling ako, hindi na ata tama yan.Ano pati yung biruan nang matagal na, nababadtrip kana.Ibang klase naman atang pagtatanim ng galit yan.Kaibigan? Hindi kita mapipilit kung ayaw mo nang makipagkaibigan sakin.Pero eto lang sasabihihin ko sayo at sa lahat ng sinumang makabasa nito…AKO PAGNAKIPAGKAIBIGAN AKO TAPAT AKO.ANG KAIBIGAN SAKIN KAIBIGAN, TINUTURING KONG PARANG KAPATID KO,HINDI KO KAYO MAPIPILIT MANIWALA SAKIN.IMPOSIBLE NALANG KUNG HINDI NYO NARARAMDAMAN YUN, PARE! Masama loob mo? Alam ko at naiintindihan ko. Ako kaya pagsinabi kong sumasama na yung loob ko, maintindihan mo din kaya kung bakit o magrereact ka ng, tangnayang yan masama pa loob? Dance partner? Langya, ako pa ata may sala kung tawagin akong ganun.Umabsent ka? Teka ako pa din ba may sala nun?Teka teka ulit, alam mo ba mga nangyari dun? Alam mo din ba kung sino ang kasayaw ko nun?Hindi di ba kasi nga absent ka sabi mo.Nagulat nalang din ako nung tawagin nya akong ganun,kahit naisip kong si Charise ang kasayaw ko nung magdamag na yun,hindi kona ininda na tawagin nya akong dance partner, kaya nga natatawa nalang ako. Uulitin ko hindi kita mapipilit maging ok kung ayaw mo at lalong hindi kita mapipilit na wag sumama ang lob mo sakin.Pero isa lang ang sasabihin ko, naging totoo ako sayo at sa lahat na kaibigan mula umpisa hanggang ngayon, kaya nga nalaman mo yung nararamdaman ko…pare
October 23rd, 2005 at 2:18 am
October 23
Tama na. Ayokong masaktan. Ayokong magalit, sa inyo o sa sarili ko. Ayaw kong mag-isip ng masama. Ayoko ko na’ng umibig. Peste.
Situation: I saw your pics. They were darn cute. At malamang you’ve noticed it, magkamukha na rin kayo. Pero hindi ako kiligin.
Hindi ko maintindihan sarili ko. Sobrang sakit. Sa mga nagdaan na linggo, napagtanto ko kung gaano ka, kayo kahalaga. Napagtanto ko rin kung gaano ako katanga.
I took your word. Ayaw mo pa kamo umibig. Marahil totoo. O marahil, ayaw mo lang talaga sa kin. Di kita masisi, kasuklamlam nga siguro ako.
What have i done to deserve all these?? Bakit sa iyo pa ako nahulog. Wala na tuloy akong makapitan. Oblivion. Aaminin ko hindi ako bihasa sa mga bagay na ito. Pero minsan lang, at sa pagkakataong ito- nasayang pa. Premature ending pa ni last look, last goodbye whatever wala.
Tuso. Ewan ko. Sabagay hindi nga ako para sa iyo. Madaling sabihin. Pero sana, sana lang talaga hindi ko na hinayaan mapalapit. Ang tanga-tanga ko.
Nagsisi? Sa mga bagay na nagawa at hindi nagawa? Hindi ko na alam. Inakala ko silang tama. At ako rin naging masama sa huli. Ok lang..
Pati sa mga simpleng pagkakataon, sa mga samahan, kailangang pilitin hindi masanay sa dati. Sa happy ’saturdays’.
Maaring okay na ang samahan. Ako na lang ang hindi.
Sana nga matapos na. Sawa na akong isisi ang lahat sa kahibangan at isiping kalokohan lang ang nararamdaman. Sana nga’t sa wakas maging masaya na ako para sa inyo.
Nakakaawang nilalang, kailan ka liligaya. You are so downright negative. I just hAte myself.
O sige, magagalit kang muli? May karapatan ka na. Hindi mo rin kailangang ulit-ulitin. Mas iindahin ko pa ang pisikal na pagkalumpo (alam ko kaya mo yan gawin, alam mo rin) kaysa sa namamalaging sakit ng mga pagkakataon. Hindi ko na ito kaya. At wala na tayong magagawa pa..